MAY anim na buwan lang ang mga paaralan sa Mexico para ipatupad ang government-sponsored ban sa junk foods.
Ang paaralan na lalabag dito ay mahaharap sa multang nagkakahalaga ng 545 dollars hanggang 5,450 dollars.
Dodoble pa ito ayon sa Mexican government kung mahuhuling lumalabag pa rin ang isang paaralan sa ikalawang pagkakataon.
Ang nationwide ban sa junk foods ay paraan ng pamahalaan upang matugunan ang childhood obesity sa kanilang bansa.