PINAL at aprubado na sa Australia ang pagbabawal sa mga kabataan edad 16 na taon pababa sa paggamit ng social media.
Binalaan na ang tech giants gaya ng Instagram at Facebook na mahaharap sila sa 49.5 million Australian dollars o katumbas ng 32 million US dollars na multa sakaling lalabag dito at pahintulutan ang mga kabataan na mag-log in sa kanilang platform.
Magsisimula ang pagpapatupad ng batas sa susunod na taon.
Sa paliwanag ng Aussie Government, makatutulong ang pagbabawal na ito sa mga magulang dahil labis na ang pinsalang dulot ng social media sa mga kabataan.