Pagbabawal sa mga paputok, ipinanawagan sa gitna ng pagtaas ng online selling

Pagbabawal sa mga paputok, ipinanawagan sa gitna ng pagtaas ng online selling

ISINUSULONG ngayon ni Sen. Sherwin Gatchalian na mas higpitan pa ang pagbabawal, pagbebenta, pamamahagi, at paggamit ng mga paputok at iba pang pyrotechnic devices.

Kasunod ito ng mga ulat na laganap na sa online platform ang pagbebenta ng mga nakamamatay na paputok.

Sa Senate Bill 1144 o Firecrackers Prohibition Act na inihain ng senador, layon nitong amyendahan ang Republic Act 7183 na kilala rin bilang “An act regulating the sale, manufacture, distribution, and use of firecrackers and other pyrotechnic devices.”

Ayon kay Gatchalian ang bentahan ng mga paputok sa pamamagitan ng online platform ay isang bagong hamon na dapat harapin ng mga awtoridad upang maging mas ligtas ang pagdiriwang ng Kapaskuhan at Bagong Taon.

Sa kabila ng panawagan na ipagbawal ay mayroon naman itong exemption sakaling makakuha ng special permit mula sa Philippine National Police (PNP) Fire and Explosives Office.

Bukod rito, ang anumang fireworks display ay dapat isagawa lamang ng mga propesyonal na may sapat na kasanayan at kaalaman sa paggamit ng mga paputok.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble