Pagbabawas ng PDLs, nakatutulong—BuCor

Pagbabawas ng PDLs, nakatutulong—BuCor

AMINADO si Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. na puspusan na ang kanilang ginagawang pagbabawas ng mga person deprived of liberty (PDLs), habang hindi muna sila magpapapasok ng mga bagong bilanggo sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Ayon sa BuCor nitong nakalipas na araw, Linggo ng gabi, 500 PDL mula sa NBP sa Muntinlupa City ang inilipat sa San Ramon Prison at Penal Farm sa Zamboanga City habang ipinagpatuloy ng BuCor ang kanilang decongestion program.

Ito’y upang mahinto na ang pagtaas ng populasyon ng mga inmate sa NBP na sa ngayon ay itinuturing na overpopulated.

Sa panayam, sinabi ni Catapang ang pagbabawas ng mga inmate sa NBP ay nakatutulong sa mga PDL lalo na ngayong tag-init.

Aminado rin ang BuCor Chief na sobra na ang init na nararanasan ng mga PDL sa loob ng kulungan, kaya ang mga hakbang na kanilang ginagawa ay ang paglalagay ng maraming electric fan at pinapayagan din ang mga inmate na lumabas sa kanilang selda at babalik na lamang sa gabi.

Aniya aabot sa 20 hanggang 30 katao sa mga PDL ang nakararanas ng pagkahilo dahil sa init ngunit wala naman aniya ang namatay dahil sa heat stroke at wala rin namang naiulat na may senior citizen sa bilangguan na na i-stroke dahil sa init ng panahon.

Sa datos ng BuCor mula Enero ng taong kasalukuyan, nasa mahigit 2,000 PDLs mula sa NBP ang nailipat na sa Leyte Regional Prison, Iwahig Prison and Penal Farm, Davao Prison and Penal Farm, Sablayan Prison and Penal Farm at San Ramon Prison and Penal Farm.

Higit 160 PDLs mula sa iba’t ibang prison at penal farm, nakalaya na

Samantala, ang pahayag ni DG Catapang ay kasunod sa may kabuuang 165 PDL na pinalaya na ng BuCor araw ng Lunes mula sa iba’t ibang prison and penal farm sa bansa.

Kabilang si Tatay Pedro ang naging emosyonal kasunod ang paglaya matapos ang 34 yrs na pagkakabilanggo mula sa kaso na attempted rape with homicide, 73 anyos na si Tatay Pedro ngayon ay nakararanas ng stroke.

Hindi rin alam ng kaniyang pamilya sa Bacolod na nakalaya na siya kaya mismo ang BuCor ang tutulong para makauwi siya sa kanilang probinsiya.

Ang 74 anyos naman na si Tatay Esteban at 30 years din siya nakulong dahil sa kasong murder, gaya ni Tatay Pedro tutulungan din siya ng ahensiya na makauwi sa kanilang probinsiya sa Tuguegarao.

Follow SMNI NEWS on Twitter