Pagbabayad ng bill sa Meralco, extended hanggang October 31

Pagbabayad ng bill sa Meralco, extended hanggang October 31

PINALAWIG pa ng Meralco ang grace period sa pagbabayad ng electric bill ng kanilang mga kustomer.

Sa pagdinig sa House Committee on Good Government and Public Accountability, inanunsyo ni Meralco President and Chief Executive Officer Rey Espinosa na pinalawig pa hanggang Oktubre 31, 2020 ang suspensyon ng disconnection upang mas mabigyan ng panahon ang kanilang customers na makalikom ng sapat na pambayad sa kanilang mga bill.

Ito ay mula sa unang September 30 deadline.

Inanunyo rin ni Espinosa na makatatanggap ng discount sa kanilang distribution charge ang kanilang mga lifeline customer o yung mga kumukonsumo ng 100 kilowatt per hour pababa.

Sinabi ng Meralco president na nasa 2.7 lifeline customer ang mabebenepisyuhan ng discount ng distribution charge.

Tinatayang nasa P101 milyon naman aniya ang halaga ng relief na ipagkakaloob ng Meralco.

Sinabi ni Espinosa na ang pagbabasehan ng merAlco ay ang mga lifeline customers hanggang noong Pebrero 2020.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.