Pagbagal ng rice inflation nitong Disyembre 2024, kasinungalingan ayon sa ilang mamimili

Pagbagal ng rice inflation nitong Disyembre 2024, kasinungalingan ayon sa ilang mamimili

BUMAGAL ang rice inflation o pagtaas sa presyo ng bigas nitong Disyembre ng 2024 na posibleng magtutuloy-tuloy umano ngayong taon.

Lumang problema noong nakaraang taon pero bakit pasan pa rin hanggang ngayon.

‘Yan ang iginiit ng mga konsyumer lalo na sa usapin ng mga pangunahing bilihin partikular ang bigas.

Anila, bihira na nga lang ang mura o abot-kayang produkto na maaaring mabili ng mga mahihirap na Pilipino.

Pero – may ulat ngayon ang Philippine Statistics Authority (PSA) patungkol sa inflation o antas sa pagtaas ng presyo ng bilihin at serbisyo

Bumagal daw ang rice inflation nitong December 2024 sabi ng PSA at inaasahang magtutuloy-tuloy hanggang ngayong taon. Pero, naramdaman kaya ito ng mga mamimili?

‘’Infact baka mayroon tayong expectation maging negative na ‘yung rice sa January,’’ ayon kay Usec. Dennis Mapa.

‘’Malabo, hindi totoo ‘yun sobrang taas lalo tumataas lalo, grabe,’’ saad ni Allan Orbino na mamimili.

‘’Nasa 55 na isang kilo halos hindi na ma-afford ng mga mahihirap kasi dapat ‘yun ay kinu-combine nila sa sahod hindi na kaya ng tao ang presyo ng bilihin,’’ saad nito.

‘’Hindi pa namin nakikita na bumaba na ang presyo ng bigas,’’ ayon kay Alfonso Santiago.

‘’Kasi sa pang araw-araw na kain natin ‘yan, 3 times a day nating kinakaing mga Piipino. Kaya, mabigat para sa amin,’’ ani Genevieve Ty.

Ilang rice retailers mahihirapang ipatupad ang Maximum Suggested Retail Price (MSRP) lalo na sa imported rice

Pero – hindi lang ‘yan ang dahilan kung bakit sasakit na naman ang ulo ng mga Pilipino.

Plano na rin kasi ng Agriculture Department na ipatupad ang Maximum Suggested Retail Price (MSRP) sa imported rice.

Hakbang ito ng gobyerno para bumaba na ang presyo ng bigas sa merkado.

Matatandaang ibinaba na ng pamahalaan ang taripa sa mga inaangkat na imported products gaya ng bigas pero hindi naman ito naramdaman ng mga konsyumer.

Kaya sabi ng Grain Retailers Confederation of the Philippines – kailangang pag-aralan ng husto ng DA ang kanilang mga plano.

‘’Kasi, domino effect po ‘yan kasi kapag kung mahal binili ng retailer ay mahal niya ibebenta,’’ ayon kay Orly Manuntag Spokesperson, Grecon.

Kung ang mga maliliit na rice retailer ang tatanungin – kaya nga bang maibaba sa P60 ang kasalukuyang presyo ng imported rice?

‘’Hindi po, hindi po kasi kaya kasi ‘yung kuha namin ay sobrang mahal at tsaka hindi pa naubos ang stocks namin kaya kung ibaba namin ay lugi wala pa rin,’’ saad ni Llyod Vicente tindero ng bigas.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble