PINAG-IINGAT ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang publiko sa peligro ng pagbaha at pagguho ng lupa dulot ng tuloy-tuloy na pag-ulan.
Ayon sa PAGASA, kasalukuyang nagdadala ng malalakas na pag-ulan ang hanging Habagat sa kanlurang bahagi ng bansa.
Binabantayan din ang isang Low Pressure Area (LPA) sa Silangan ng Davao at mataas ang tiyansa na maging bagyo na papangalanang “Ester”.
Kasabay nito, pinaghahandaan ni NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad ang Local Government Units (LGUs) hinggil sa mga karampatang paghahanda at mga aksyon.
Kabilang na dito ang pagsasagawa ng evacuation, pag-preposition ng family food packs, pagpapadala ng abiso sa apektadong lugar, at iba pa.