SINABI ni presidential aspirant Senator Panfilo “Ping” Lacson na sa kabila ng pag-alis nito mula sa dating political party na Partido Reporma ay patuloy pa rin ang donasyon para sa kanyang campaign funds.
Inihayag ni Lacson na may ilang sponsor ang tumatawag sa kanya simula nang umalis ito sa partido at nag-alok ng donasyon para sa kanyang kampanya.
Ginawa ni Lacson ang pahayag upang masiguro sa kanyang mga taga suporta na magpapatuloy ito sa kanyang kampanya hanggang sa eleksyon sa Mayo 9 sa kabila ng pag-iwan sa kanya ng kanyang political party.