Pagbalangkas ng S-O-P para sa pagsasama ng gamot sa relief package, iniutos ni PBBM

Pagbalangkas ng S-O-P para sa pagsasama ng gamot sa relief package, iniutos ni PBBM

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbalangkas ng standard operating procedure (SOP) para sa pagsasama ng mga gamot sa mga relief package sa oras ng kalamidad at emergencies.

Ibinahagi ng Punong Ehekutibo na ilang araw pagkatapos ng isang kalamidad, ang mga apektadong indibidwal ay naghahanap na ng mga over-the-counter na gamot tulad ng paracetamol at anti-diarrhea medicines.

Sa ngayon, iniutos ni Pangulong Marcos kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo na mauna nang magpadala ng non-prescribed medicines sa mga sinalanta ng Bagyong Paeng.

Saad pa ng Chief Executive, makikipagtulungan din ang pamahalaan sa military doctors at medical workers para mabilis ang pamimigay ng gamot.

Samantala, ani Pangulong Marcos, makikipag-ugnayan din ito sa malalaking drug companies para makabili ng murang gamot sa mga biktima ng nagdaang bagyo.

Follow SMNI NEWS in Twitter