PINUNA kamakailan ni Vice President Sara Duterte ang mga problemang kinakaharap ng bansa na napapabayaan ng administrasyong Marcos.
Ilan sa mga ito ang sablay na pagtugon sa problema sa baha lalo’t inamin ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na walang flood-control master plan ang pamahalaan.
Kasama na rito ang tila pagyuko at pagiging sunod-sunuran ng gobyerno sa kumpas ng mga dayuhan lalo na sa isyu ng International Criminal Court (ICC).
Ang kakulangan sa police to population ratio ay pinuna rin ng pangalawang pangulo kasunod ng pagbawi sa kaniyang police security details.
Sa pagpuna naman ito ng pangalawang pangulo, maraming mambabatas sa Kamara ang pumalag lalo na sa usapin ng flood control projects.
Sinabi ni dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque, hindi malayong may maghain ng impeachment complaint laban kay VP Sara.
Para naman sa political analyst na si Prof. Froilan Calilung, mahirap isulong ang impeachment complaint laban sa pangalawang pangulo.
“The way I see it, mahihirapan isulong ito dahil wala namang maliwanag or tahasang paglabag ang ating ikalawang pangulo doon sa mga tinatawag na possible grounds for impeachment.”
“So, it’s going to be hard sell. I think in the part of public, and your right, the vice president really had a clear mandate and she has the legitimate mandate for position.”
“It would be really difficult for the government to actually make it or make a case of impeachment against the vice president if ever their going to proceed with it,” ani Prof. Froilan Calilung, Political Analyst.
Maliban dito, mas lalo lang din ayon kay Prof. Calilung na mahihirapan ang administrasyon na makabangon mula sa kinakaharap na isyu kung gigipitin si VP Sara.
“Kung titignan naman natin, ang atin namang mga kababayan ngayon, eh, mapagmasid.”
“I think, they’re very much more discerning right now of the things that is happening. Of course there is a presence of not just the mainstream media but of course the social media which I believe is very very potent right now specially in shaping public opinion.”
“I think, what the government should do right now is to carefully trend itong political line na ‘to kasi medyo mahihirapan talaga sila dito kapag lalo na– lalo na kapag masyado nilang ginipit ‘yung ating pangalawang pangulo,” aniya.
Naniniwala rin si Calilung na kaya ginigipit si VP Sara ay dahil baka isiwalat nito ang kalakaran ng kasalukuyang gobyerno lalo’t naging bahagi siya nito.
Samantala, payo ngayon ng political analyst sa administrasyon, mas pagtuunan na lang ng pansin ang mga problemang kinakaharap ng mga Pilipino sa halip na pag-initan ang pangalawang pangulo ng bansa.