Pagbasura ng Korte Suprema sa apela ng mga kontra sa anti-terror law, simula ng bangungot ng Makabayan Bloc – dating kadre

Pagbasura ng Korte Suprema sa apela ng mga kontra sa anti-terror law, simula ng bangungot ng Makabayan Bloc – dating kadre

WELCOME development para sa hanay ng mga dating New People’s Army (NPA) kadre ang desisyon ng Supreme Court na ibasura ang mga apela para pigilan ang pagpapatupad ng Anti-Terror Law.

Ayon kay Abante Sambayanan Partylist 1st nominee Jeffrey ‘Ka Eric’ Celiz, umpisa na ito ng pagkabagsak ng mga kalaban ng pamahalaan.

Partikular na ang mga legal fronts at mga supporter ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

At para kay Celiz na matagal nang naglingkod noon sa kilusan, nag-umpisa na ang bangungot ng legal fronts ng mga komunista sa Kongreso partikular na ang Makabayan Bloc.

“Yes ito nang umpisa ng bangungot ng gustong magpabagsak sa gobyerno, nagkukunwari, nanloloko, at nagre-recruit ng kabataan at sumisira sa mga sektor at sa buong lipunan. Ito na ang simula ng bangungot nila sapagkat ang legal instrumentalities and rule of law sa pamamagitan ng desisyon ng Korte Suprema will become now stronger and ang prosecutory level ng ating mga pamahalaan at ng mga instruments of security sector will now be given strong support on the valid approval of the Supreme Court sa pagpapatupad ng batas na syang hahabol at susupil sa acts of terrorism and conspiracy related to acts of terrorism na ginagawa ng CPP partylist front organisations and KABAG Kamatayan partylist groups nila,” pahayag ni Ka Eric.

Pinaliwanag naman ni Celiz ang magiging epekto ng Anti-Terror Law sa Makabayan Bloc.

“Ay pwede na po sila pong ang kanilang mga underground operatives CPP cadres and NDF operators na nagre-recruit para sa NPA at nagbibigay ng pondo at iba pang resources ay pwede na silang mabigyan ng legal instrument na ma-suppress ang kanilang cycle of recruitment, financial operations, at pati na po ang kanilang pagbibigay ng iba’t ibang mga tulong materyal sa CPP-NPA-NDF. And mga leaders nila na nagkukunwaring mga sila’y legal, sila daw ay mga human rights activist, sila daw ay mga partylist activist. Hindi na sila makapagtago pa sa likod ng kanilang maskara sapagka’t pwede silang abutin on the ground of conspiracy and acts of conpiracy sa pagpapatupad ng acts of terrorism and activities related to terrorism. ‘Yan po ang specific na magiging epekto sa kanila,” dagdag ni Ka Eric.

Kabilang sa KABAG partylists ang Kabataan, Anakpawis, Bayan Muna, ACT-Teachers, at Gabriela.

BASAHIN: Makabayan party-list, huwag iboto – Pangulong Duterte

 

Follow SMNI NEWS in Twitter