Pagbasura sa disqualification case laban kay Sen. Tulfo, pinagtibay ng COMELEC

Pagbasura sa disqualification case laban kay Sen. Tulfo, pinagtibay ng COMELEC

PINAGTIBAY ng Commission on Elections (COMELEC) en banc ang pagbasura nito sa disqualification case laban kay Senator Raffy Tulfo.

Sa press statement, sinabi ng COMELEC na wala silang nakitang “valid reason” para baguhin ang naunang desisyon ng first division na ibasura ang kaso.

Iginiit din ng Commission en banc na wala na sa kanila ang hurisdiksiyon sa pagdiskuwalipika kay Tulfo dahil naiproklama na ito noong Mayo 18, 2022 at nanumpa na noong Hunyo 22, 2022.

Ang disqualification case laban kay Tulfo ay isinampa ni Julieta Licup Pearson.

 

 

Follow SMNI NEWS in Twitter