NAGPAABOT ng mainit na pagbati si Senatorial Candidate Atty. Vic Rodriguez kay Pastor Apollo C. Quiboloy sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Atty. Rodriguez:
“Kailangan ng sambayanang Pilipino ang katulad mo — may prinsipyo, paninindigan, may takot sa Panginoon, at maisug.”
Ang kanyang mensahe ay hindi lamang pagbati, kundi isang pagkilala sa katatagan at pananampalatayang isinasabuhay ni Pastor Apollo, na nagsisilbing inspirasyon sa marami.
Sa panahon ng kaguluhan at pagsubok, ang mga lider na may malasakit at paninindigan sa tama ay patuloy na hinahangaan at kinakailangan ng bayan.