Pagbawi ng GMA sa PDRs na inisyu sa mga dayuhan, hindi patas sa ABS-CBN

Pagbawi ng GMA sa PDRs na inisyu sa mga dayuhan, hindi patas sa ABS-CBN

HINDI patas para sa ABS-CBN ang pagbawi ng GMA Network Inc. sa Philippine Depositary Receipts (PDRs) na inisyu nito sa mga dayuhan ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman.

Inihayag ito ni Lagman matapos bawiin ng GMA ang lahat ng mga ibinentang PDRs sa mga dayuhang mamumuhunan na naglagak ng kanilang investment sa nasabing kompanya.

Sa pagsasara ng merkado ng Philippine Stock Exchange kamakailan, inaprubahan ng myembro ng board ng TV network na bilhin ang lahat ng mga PDR na ibinenta ng GMA Holdings Inc. sa halagang ₱4.55 per share o mas mababa hanggang Oktubre ngayong taon.

Matatandaan na ang pagbebenta ng ABS-CBN ng PDR nito sa mga foreign investors ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi na-renew ang prangkisa nito matapos itong halungkatin sa pagdinig ng Kamara noong Hunyo.

Sa isang pahayag, sinabi ni Lagman dapat raw ay naging patas ang Kongreso at binigyan ng kahalintulad na pagkakataon ang ABS-CBN na bawiin ang mga PDR na inisyu nito sa mga dayuhan.

“Granting that ‘buying back’ is the remedy; ABS-CBN should have been afforded the equal opportunity to buy back.” Albay Rep. Edcel Lagman

Giit din ni Lagman na mistulang siningle- out ang ABS-CBN sa mga naganap na pagdinig sa Kamara sa isyu ng PDR subalit ang ibang istasyon ay binigyan ng pagkakataon para itama ang kanilang sistema.

Samantala, sinabi naman ni Atty. Lary Gadon na welcome development ang ginawa ng GMA.

Giit ni Gadon, mababawasan sana ang violation ng ABS-CBN kung mayroong buyback provision ang kanilang PDR.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.