Pagbebenta ng pekeng negative COVID-19 test results, pinatutugis na ni PNP Chief Eleazar

Pagbebenta ng pekeng negative COVID-19 test results, pinatutugis na ni PNP Chief Eleazar

PINAIIMBESTIGAHAN na ni PNP Chief Police General Guillermo Eleazar ang umano’y pagbebenta ng pekeng negative COVID-19 test results.

Sa isang pahayag, sinabi ni Eleazar na inatasan na niya ang Criminal Investigation And Detection Group (CIDG) and Anti-Cybercrime Group na pangunahan ang imbestigasyon.

Ayon kay Eleazar, hindi nila ito palalampasin at sinisiguro niyang maaresto at mapapanagot ang sinumang nasa likod ng ganitong uri ng scam.

Kaugnay nito, pinayuhan ng PNP Chief ang publiko na agad i-report sa mga awtoridad kung may impormasyon ukol naturang iligal na aktibidad kasabay ng pagpapaalala sa lahat na huwag itong tangkilikin.

 

Indibidwal na tatangkilik ng pekeng negatibong resulta ng swab test maaring maparusahan – COVID-19 TF spox

Hinimok ng National Task Force (NTF) against COVID-19 ang publiko na huwag  tangkilikin ang mga scammer na nag aalok ng mga pekeng negatibong resulta ng swab test.

Ayon kay NTF Spokesperson Restituto Padilla, maaaring parusahan ang sinumang indibidwal na tumatangkilik sa naturang gawain.

Binigyang diin ni Padilla na isang criminal act ang pamemeke ng swab test result sa gitna ng national health emergency.

Inihayag ni Padilla ang komento matapos may isang empleyado sa isang lehitimong laboratoryo na nag-aalok sa isang babae ng negatibong resulta ng RT-PCR kahit pa hindi dumaan sa swab test.

Sa ngayon nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pulisya sa naturang insidente .

 

SMNI NEWS