ININSPEKSYON ngayong araw ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang ilang palengke sa Metro Manila upang masawata ang iligal na bentahan ng mga imported na isdang pompano at pink salmon.
Sa pag-iikot ng BFAR, nadiskubre ang mga pink salmon at imported pompano na iginiit ng ahensya na ipinagbabawal ibenta sa mga wet markets.
Nilinaw ng ahensya na ang permit para sa salmon at pampano ay para lang sa industrial users gaya ng canneries, hotels at restaurants.
Ayon sa BFAR, ang lahat ng isdang imported sa ilalim ng Fisheries Administrative Order 195 ay para lamang sa canning industry at institutional buyers.
Mayroon naman hanggang Disyembre 4 ang mga retailer ng imported pink salmon at pompano sa Commonwealth Market na ibenta ang kanilang paninda.