Pagbebenta ng soft drinks sa mga eskwelahan, nais ipagbawal ng isang congressman

Pagbebenta ng soft drinks sa mga eskwelahan, nais ipagbawal ng isang congressman

NAIS ipagbawal ni Albay Rep. Joey Salceda, chairman ng House Committee on Ways and Means ang pagbebenta ng soft drinks sa mga eskwelahan.

Ani Salceda, ito’y dahil 80% ng content ng soft drinks ay asukal.

Giit ni Salceda, makatutulong ito na mabawasan ang demand sa asukal sa bansa sa harap ng sugar crisis dahil sa malaking kabawasan sa target production ng sugar sector dulot ng masamang panahon at mataas na input costs.

Dagdag ng mambabatas, bukod sa mababawasan ang sugar demand ay makatutulong din ito na maituon sa pagkain ng ‘healthy food’ ang mga estudyante.

Dahil ang pag-inom ng mga bata ng soft drinks giit ni Salceda ay hindi nakabubuti sa kanilang kalusugan. 

Follow SMNI NEWS in Twitter