Pagbibigay ng booster shot sa mga 5-11 years old, dapat nang ikonsidera – Infectious Disease Expert

Pagbibigay ng booster shot sa mga 5-11 years old, dapat nang ikonsidera – Infectious Disease Expert

INIHIHIRIT ngayon ng isang eksperto na mabigyan ng karagdagang proteksyon ang mga bata na may edad 5-11 years old sa pamamagitan ng booster shot.

Sa kasalukuyan ang pinapayagan pa lamang sa booster shot ay ang mga indibidwal na may edad 12 pataas.

Ayon kay Infectious Diseases Expert Dr. Rontgene Solante, dahil sa Omicron subvariant, marami sa mga bata ang naiimpeksyon at nangangailangan ng karagdagang pangontra sa sakit.

“Nakikita natin ngayon with this BA.5, medyo marami-rami rin ang mga bata na na-infect ‘no. Although mas marami pa rin ang adult pero hindi nagiging kaunti ang mga na-infect na mga bata especially the less than 11 or 12 years old ‘no. So ibig sabihin, if you want to level off in terms of lahat protektado in a population, then kasama dapat diyan hindi lang iyong 18 years old and above sa booster but also the adolescent. And hopefully we can also plan for the booster also for the 5 to 11 years old, so that that wall of immunity against any variants especially for Omicron, mananatili sa population,” pahayag ni Solante.

Habang wala pa ang booster shot, payo ng eksperto dapat mapanatili ang pagcomply sa mga health protocol tulad ng pagsuot ng face mask, paghugas ng kamay at proper ventilation sa mga classroom para sa mga batang magbabalik eskwela na.

Apela nito sa mga guro na magpabakuna na para sa proteksyon ng mga bata na kanilang tuturuan.

Matatandaan na sinabi ng DOH, mahirap mamaintain ang physical distancing sa mga paaralan.

Hirit ni Dr. Solante na maging mandatory ang bakunahan sa kanila.

“Sana ang mga guro naman, mga teachers will have a very high rate of immunization or vaccination kasi nakikita natin ngayon, marami pang mga teachers ang hindi nagpapabakuna ‘no. And when you want to build a wall of immunity sa school, dapat mauna ang mga teachers so that the students will also comply with the vaccination,” ani Solante.

Kamakailan naman ay sinabi ng DOH na may pag-plateau sa mga kaso ng COVID-19 pero hirit ng eksperto hindi pa dapat luwagan ang restrictions.

“Well for now, it’s too early para luwagan natin ang restriction. Let’s observe in the next few weeks kung medyo mas ang trend ng mga kaso pababa. Most likely we can implement, darating din tayo diyan sa pagluwag ng mga restrictions ‘no, but for now it’s important that we still have to maintain all these restrictions at this point in time,” saad ni Solante.

Follow SMNI News on Twitter