SABAY-sabay na magkakaroon ng bigayan ng P10-K na ayuda bukas Mayo 1, Labor Day.
Ang inisyatibo ay pangungunahan ni dating House Speaker at Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano at mga kaalyado nito.
Kabilang sa mga taong kanilang tutulungan ay mula sa Batangas, Bulacan, Cavite, Camarines Sur, Caloocan City, Marikina City, Quezon City, Taguig City, Mandaluyong City, Pateros, Laguna, Rizal at Ormoc City.
Dahil dito, umaasa ang kanilang grupo na kung matatalakay agad at maipapasa ang kanilang isinusulong na “Bangon Pamilyang Pilipino Act” o ang P10-K Ayuda Bill upang milyon-milyong Pilipino ang mas makikinabang dito ngayong may pandemya.
(BASAHIN: 5,000 na mga manggagawa, babakunahan sa Labor Day)