Pagbibigay ng P100-K credit assistance para sa mga OFW, iminungkahi

Pagbibigay ng P100-K credit assistance para sa mga OFW, iminungkahi

IMINUNGKAHI ni Senadora Imee Marcos na itaas ng gobyerno ang halaga ng credit assistance o loan program para sa mga Overseas Filipino Worker o OFW.

Ayon kay Marcos, mula sa unang panukala, masyadong maliit ang P50,000 na halaga na credit assistance para sa mga OFW.

Panawagan nito na baka kayang itaas sa P100, 000 ang maaaring ibigay na loan sa mga manggagawa sa ibayong-dagat.

Mas mainam rin ayon sa senador na gawin ang pagpapautang bago makaalis ng bansa ang OFWs o magkaroon ng pre-departure loan para sa kanila.

Ayon naman kay OWWA Administrator Hans Cacdac maaaring gawin ng OWWA ang nasabing mungkahi pero hindi aniya dapat asahan na lahat ng OFW ay mabibigyan ng nasabing halaga para sa loan.

Mungkahi ni Cacdac na maaaring idaan sa contest ang pagbibigay ng 100, 000 loan sa mga OFW.

Aniya maaaring ang mga OFW na makakapagpresenta o makakapagpasa ng pinakamagandang business plan ang maaaring makakuha ng nasabing loan program.

Pero ayon kay Cacdac, kung nasa 100,000 OFW ang ma- aaplay para sa contest ay nasa 10,000 lamang ang kanilang pipiliin.

Samantala, kinumpira naman ni Cacdac na nasa P5 bilyon ang halagang inilaan ng DOLE para sa repatriation grant ng bansa para sa mga distressed OFW.

Pagbibida naman ni Cacdac, na mula sa 10, 000 na repatriation grant sa panahon ng dating administrasyon ay tumaas na ito ngayon.

Aniya nasa P20,000 na ang halaga  ng repatriation grant  ibinibigay ngayon ng gobyerno sa bawat Distressed OFW.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.