Pagbibigay ng relief, financial aid sa mga pasahero ng nasunog na barko sa Basilan, nagpapatuloy

Pagbibigay ng relief, financial aid sa mga pasahero ng nasunog na barko sa Basilan, nagpapatuloy

TULUY-tuloy ang pagbibigay ng pamahalaan ng relief at financial assistance sa mga pasahero ng nasunog na barko sa Basilan.

Sa kaniyang ulat kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sinabi ni Department of National Defense officer-in-charge Senior Undersecretary Carlito Galvez Jr. na parehong pinalawig ng national at local government units (LGUs) ang kinakailangang tulong sa mga sea fire victim.

Inilahad ng opisyal ng DND na namahagi na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ang pamahalaang panlalawigan ng Basilan ng tulong pinansiyal na nagkakahalaga ng Php640,000, at higit sa Php71,000 na halaga ng food at non-food items.

Isinaysay ni Galvez na ang mga lokal at provincial authority sa Basilan at ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ay nagbigay sa mga biktima ng hygiene kits at damit.

Namahagi rin ng pagkain ang Philippine Coast Guard (PCG) sa mga biktima habang nagsagawa ng psychosocial intervention ang mga tauhan ng Department of Social and Welfare Development (DSWD) sa mga survivor na nananatili sa DSWD Home for Women sa Mampang, Zamboanga City.

Nagsagawa rin ang Philippine Red Cross ng first-aid treatment sa survivors at nagbigay ng cadaver bags.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter