Pagbibitiw umano sa puwesto ni DND Sec. Teodoro hindi totoo—DND spokesperson

Pagbibitiw umano sa puwesto ni DND Sec. Teodoro hindi totoo—DND spokesperson

ITINANGGI ng Department of National Defense (DND) na hindi totoo na magbibitiw umano sa puwesto bilang kalihim ng nasabing ahensiya si Sec. Gilberto Teodoro.

Sa inilabas na pahayag ni DND Spokesperson Arsenio Andolong sinabi nito walang katotohanan ang kumakalat na impormasyon.

“There is no truth to the rumor perpetrated by certain sectors online about the supposed resignation of Secretary of National Defense Gilberto C. Teodoro, Jr.,” pahayag ni Director Arsenio R. Andolong, Spokesperson, Department of National Defense.

Nananawagan din si Andolong na tigilan ang pagpapakalat ng fake news

“We call on those who purposely propagate unfounded lies to be circumspect and refrain from spreading misinformation and disinformation,” dagdag ni Andolong.

Aniya nakatutok umano ang kalihim sa mandato nito na palakasin ang ating bansa upang protektahan ang teritoryo at soberaniya ng Pilipinas.

“Secretary Teodoro and the Department of National Defense are focused squarely on boosting the nation’s capabilities to protect our territorial integrity and sovereignty,” aniya.

Sa huli nanawagan si Andolong sa mga Pilipino na maging mapanuri sa mga ipinapakalat na mga balita dahil ang iba aniya rito ay nililihis lang ang atensyon sa kung ano ang tunay na isyu ng ating bansa.

“We urge the public to be vigilant against misleading claims that aim to sow discord among the Filipino people and divert our attention from the real challenges that beset our country,” pagtatapos nito.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble