Pagbili ng shore-based anti-ship missile, nilagdaan na

TULOY na ang pagbili ng Department of National Defense (DND) ng shore-based anti-ship missile sa India.

Pormal na nilagdaan nina Defense Secretary Delfin Lorenzana at Brahmos Aerospace Director General Atul Dinkar Rane ang kasunduan na nagkakahalaga ng P18.9 bilyon.

Dumalo rin sa aktibidad si Indian Ambassador to the Philippines Shambhu Kumaran.

Unang na-konsepto ang proyekto noong 2017 kung saan kukuha ang Pilipinas ng tatlong batteries.

Sinabi ni Lorenzana na ang pagkakaroon ng nasabing shore-based anti-ship missile ng Philippine Navy ay mahalaga sa pagprotekta sa teritoryo at pambansang interes ng bansa.

Naniniwala ang kalihim na mapipigilan ng Brahmos bilang “world’s fastest supersonic cruise missile” ang anumang pagtatangka sa soberanya ng bansa, lalo na sa West Philippine Sea (WPS).

SMNI NEWS