Pagbisita ng mga kamag-anak ni Mary Jane Veloso sa Indonesia, kinansela

Pagbisita ng mga kamag-anak ni Mary Jane Veloso sa Indonesia, kinansela

KINANSELA na lang ang pagbisita ng mga kamag-anak ni Mary Jane Veloso sa Yogyakarta, Indonesia na nakatakda sana ngayong araw, Disyembre 16 hanggang 18, 2024.

Ito’y dahil sa Jakarta na itutuloy ang proseso ng pagpapauwi ng OFW sa Pilipinas.

Target namang makakauwi si Veloso ngayong holiday season.

Taong 2010 nang makulong sa Indonesia si Veloso matapos nakitaan ng 2.6 kilograms ng heroin.

Ito ang dahilan para maharap siya sa death penalty ngunit mabuti na lang ay hindi ito natuloy matapos isinalang sa isang trial ang pinaniniwalaang recruiter ni Veloso.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble