Pagbisita ni Israeli Prime Minister Netanyahu sa UAE, naudlot

Pagbisita ni Israeli Prime Minister Netanyahu sa UAE, naudlot

NAUDLOT ang opisyal na pagbisita ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu sa United Arab Emirates (UAE) sa susunod na linggo.

Ang pagbisita ng Punong Ministro sa UAE ay iniurong upang masiguro na matatapos nito nang matagumpay ang paglalakbay sa bansa.

Ito ay napagdesisyonan matapos na bumisita si Israeli National Security Minister Itamar Ben Gvir sa Al Aqsa Mosque Complex sa kabila ng mga babala noong Martes.

Ito ang unang opisyal na pagbisita ni Netanyahu sa UAE matapos maluklok muli sa pwesto noong nakaraang linggo kasunod ng eleksyon noong Nobyembre.

Ang far right politician na si Ben Gvir ay bumisita sa Al Aqsa Mosque Complex sa East Jerusalem isang araw matapos nitong ianunsyo na hindi na ito bibisita roon.

Ang hakbang na ito ay nagdulot ng kritisismo mula sa iba’t ibang bansa kabilang ang UAE.

Kaugnay nito ay hinimok din ng Foreign Ministry ng UAE ang Israel na itigil ang seryosong mga probokasyon na nangyayari sa lugar.

Matatandaan na para sa mga Muslim ang Al Aqsa ang ikatlong pinakabanal na lugar nito, para naman sa mga Hudyo ang lugar ay tinatawag na Temple Mount na isa itong lugar ng dalawang Jewish temple noong unang panahon.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI NEWS in Tiktok