Pagbisita ni Pres. BBM sa Indonesia, magpapababa sa presyo ng Urea – Rep. Salceda

Pagbisita ni Pres. BBM sa Indonesia, magpapababa sa presyo ng Urea – Rep. Salceda

PINURI ni House Ways and Means Chairman at Albay Rep. Joey Salceda ang state visit kamakailan ni Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos, Jr. sa Indonesia.

Ani Salceda, ang pinakamagandang dulot ng biyahe ng Pangulo doon ay ang government-to-government negotiation sa pagbili ng fertilizer partikular na ang Urea.

Saad ni Salceda, pangatlo sa buong mundo ang Indonesia kasunod ng India at Russia sa pagpo-produce ng Urea na tiyak makatutulong sa agriculture sector ng bansa.

Diin din nito na nasa 10.5% ng presyo ng palay ay fertilizer cost kaya kung mapababa ang presyo ng Urea ay lalaki ang ani ng mga magsasaka dahil abot-kaya na ang presyo ng fertilizer.

‘It’s a major expense for farmers. A strategic partnership with Indonesia to cut out the middlemen will surely reduce prices, towards PBBM’s direction of cheap domestic food production,’ diin ng mambabatas.

Sa Pilipinas, nasa 40 kg ng Urea per hectare ang kailangan tuwing cropping season o katumbas ng 120,000 metric tons ng Urea na demand mula sa mga magsasaka sa buong bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter