Pagbisita ni Putin ngayon sa North Korea, ikinabahala

Pagbisita ni Putin ngayon sa North Korea, ikinabahala

PAGPAPALAKAS ng economic at military cooperation ang sanhi ng pagbisita ni Russian President Vladimir Putin sa North Korea nitong Miyerkules, Hunyo 18, Pyongyang time.

Batay pa sa ulat ng North Korean State Media, paraan din ito ng dalawang bansa upang mapanatili ang matagal na nilang ugnayan.

Kaugnay rito ay pinangangambahan ng Estados Unidos at South Korea na maaaring ito na ang kasunduan ng dalawa kung saan magbibigay ng armas ang North Korea sa Russia para sa nagpapatuloy na Ukraine war.

Kapalit nito ay ang pagtanggap naman ng Pyongyang ng economic assistance at technology transfers mula sa Moscow.

Sa kasaysayan, ito na ang kauna-unahang pagbisita ni Putin sa North Korea sa loob ng 24 na taon.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter