Pagbisita ni US Vice President Kamala Harris sa Palawan, walang problema –DND

Pagbisita ni US Vice President Kamala Harris sa Palawan, walang problema –DND

SA gitna ng isyu sa West Philippine Sea, walang nakikitang problema ang Department of National Defense (DND) sa gagawing pagbisita ni US Vice President Kamala Harris sa Palawan.

Ayon kay Defense spokesperson Arsenio Andolong, ang pagbisita ni US Vice President Kamala Harris sa Palawan ay upang makausap ang mga residente, mga mangingisda at ang Philippine Coast Guard (PCG).

Pawang mga sibilyan din aniya ang pupuntahan ni Harris at hindi magiging bahagi dito ang DND.

Maliban dito, iginiit ni Andolong na tulad lamang din ng ibang US dignitaries ang gagawing pagbisita ni Harris sa lugar.

Nabatid na si Harris ang pinakamataas na opisyal ng Amerika na bibisita sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung saan inaabangan din ang mga matatalakay nila.

Follow SMNI NEWS in Twitter