Pagbubukas ng klase ng DepEd, inimungkahing ipagpaliban muna

Pagbubukas ng klase ng DepEd, inimungkahing ipagpaliban muna

SINABI ni Senator Christopher Bong Go na  mas mainam na ilipat sa buwan ng Oktubre ang pagbubukas ng klase na itinakda ng Department of Education (DepEd) sa Agosto 24.

Ito ay para mabigyan pa ng mas maraming araw ang mga estudyante, magulang at mga guro na makapaghanda para sa distance learning.

Aniya, hirap pa ang iba na mag-transition sa alternative modes tulad ng online transactions at online learning.

Ayon pa kay Go na huwag pilitin ang mga ito na makapagbalik-eskwela sa panahong itinakda kung hindi pa talaga handa ang mga ito.

Matatandaang madiing sinabi ni DepEd Sec. Leonor Briones na tuloy na tuloy na sa Agosto 24 ang pagbubukas ng klase sa basic education level .


Maliban kay Go, una namang umapela sina Senators Sherwin Gatchalian and Francis Tolentino na ikansela ang pagbubukas ng klase sa mga  lugar na nasa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Hinikayat ni Tolentino ang DepEd na asikasuhin o madaliin ang paggawa ng Implementing Rules and Regulations (IRR) para sa bagong batas para sa pagbubukas ng klase.

Ito ay para aniya madali na lamang sa DepEd na ilipat ang araw o petsa ng school opening, lalo pa aniya hindi pa handa  ang bansa para dito.

Sa ilalim ng RA 11480 ay maaring ilipat ng Pangulo base sa rekomendasyon ng DepEd ang petsa para sa pagbubukas ng klase.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.