Pagbubukas ng School Year 2022-2023, target simulan sa Agosto 22

Pagbubukas ng School Year 2022-2023, target simulan sa Agosto 22

IPINANUKALA ng Department of Education (DepEd) ang pagbubukas ng School Year 2022-2023 sa Agosto 22, 2022 gamit ang blended learning na may mas maraming face-to-face classes.

Sa press conference, iprinesenta ni DepEd Undersecretary Diosdado San Antonio ang panukalang school calendar ng ahensiya.

Ayon sa DepEd, 11 weeks ang nakatakda sa kada quarter ng academic year.

Itinakda ang unang quarter mula Agosto 22 hanggang Nobyembre 4, 2022; ang ikalawang quarter ay mula Nobyembre 7, 2022 hanggang Pebrero 3, 2023; ang ikatlong quarter ay mula Pebrero 13 hanggang Abril 28, 2023, at ang ikaapat na quarter ay mula Mayo 2 hanggang Hulyo 7, 2023.

Magsisimula naman ang Christmas break sa Disyembre 19, 2022 at magpapatuloy ang mga klase sa Enero 2, 2023 habang naka-iskedyul din ang mid-year break mula Pebrero 6 hanggang 10, 2023.

Gaganapin ang end-of-year rites mula Hulyo 10 hanggang 14, 2023.

Sa panahon ng “summer”, sinabi ng DepEd na maaaring isagawa ang remedial, enrichment, o advanced classes mula Hulyo 17, 2023 hanggang Agosto 26, 2023.

Inaasahan namang magsisimula ang School Year 2023-2024 sa Agosto 28, 2023.

Follow SMNI News on Twitter