Pinaghahandaan ng Department of Tourism (DOT) ang pagbubukas ng Turismo sa Mindanao.
Ayon kay Tourism Secretary Christina Garcia-Frasco, ang hakbang ay bahagi ng layunin ng kagawaran na mabigyan ng pagkakataon ang mga destinasyon at rehiyon na hindi natutukan noon.
Ibinahagi ni Frasco na nagsimula na ang groundbreaking ng mga tourist area sa Mindanao partikular sa Bukidnon at Samal Island.
Nakipag-ugnayan na rin ang kagawaran ani Frasco sa Department of National Defense (DND) upang matiyak ang kapayapaan at seguridad ng mga turista.
Dagdag pa ng kalihim na nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Interior and Local Government (DILG) para mapaigting ang police visibility sa mga tourist destination.
Maging ang mga lokal na pamahalaan ay nakausap na rin ng dot para sa mga Barangay tanod na magsisilbi bilang mga auxiliary force.