Pagbuwag ng fraternities, sagot para mawakasan ang hazing sa bansa—Enrile

Pagbuwag ng fraternities, sagot para mawakasan ang hazing sa bansa—Enrile

PAGBUWAG sa mga fraternity ang sagot para mawakasan o matuldukan ang nakamamatay na hazing sa bansa.

Ito ang sinabi ni Chief Presidential Legal Adviser Sec. Juan Ponce Enrile sa kanyang programa sa SMNI News.

Ani Enrile, ang fraternity ay isang organisasyon ng pagkakaibigan at pagkakapatiran kaya’t hindi aniya kailangan na magkasakitan pa na hahantong sa patayan.

Ipinunto pa ni Enrile na nagtutulak na rin ngayon ng factionalism o pagpapangkat-pangkat ang fraternities.

Ipinunto rin ni Enrile na ang pananakit sa pisikal tulad ng hazing ay maituturing nang kriminal.

Ikinuwento pa ni Enrile na miyembro din ito ng isang fraternity at dumaan din aniya siya sa initiation pero pinagpapalimos lang at hindi naman sinaktan.

Matatandaan na nag-ugat ang panawagang pagbuwag sa fraternities nang masawi si John Matthew Salilig, isang Adamson student nang sumailalim sa initiation rite ng Tau Gamma Phi Fraternity noong Pebrero 22.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter