Pagbuhay sa Masagana Program, ikinabahala ng isang mambabatas

Pagbuhay sa Masagana Program, ikinabahala ng isang mambabatas

IKINABAHALA ni Camarines Sur Rep. Gabriel Bordado, Jr. ang plano ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na ibalik ang Masagana program ng kanyang amang si former President Ferdinand E. Marcos, Sr.

Diin ni Bordado, hindi nagtagumpay ang nasabing programa at nagdulot ng pahirap sa mga magsasaka.

Ang naging problema umano ay mayroong mga pekeng magsasaka na umutang at hindi nagbayad kaya nalugi at nagsara ang mga maliliit na bangko sa ilalim ng Masagana Program.

At dahil dito, giit ng kongresista na nabangkarote ang 800 Rural Bank kaya inihinto ang programa noong 1986.

Para naman kay Isabela Rep. Tonypet Albano na tumaas ang produksyon ng palay sa ilalim ng Masagana Program at nilalatag na ng Department of Agriculture (DA) ang plano para dito sa ilalim ng liderato ni PBBM sa ahensya.

Follow SMNI NEWS in Twitter