Pagbuhay sa PH Industry, pagbigay-pansin sa technical and vocational skills, tututukan ni Atty. Gadon

Pagbuhay sa PH Industry, pagbigay-pansin sa technical and vocational skills, tututukan ni Atty. Gadon

TUTUTUKAN ng bagong talagang Presidential Adviser for Poverty Alleviation na si Atty. Larry Gadon ang pagbuhay sa industriya ng bansa at pagbigay-pansin sa technical at vocational skills ng mga Pilipino.

Ito ang pahayag ni Gadon sa panayam ng SMNI News.

Aminado si Gadon na malaki ang responsibilidad ng kaniyang bagong posisyon dahil nakatutok ngayon ang Marcos administration sa pagresolba sa kahirapan ng bansa lalo na sa pagdaan ng pandemyang dulot ng COVID-19.

Pero binigyang-diin ng bagong kalihim ang pagpatutupad ng pangmatagalang solusyon sa kahirapan mula sa kasalukuyang pamamahagi ng mga ayuda.

Inihayag din ni Gadon na ilulunsad nito ang programang Batang Busog Malusog (BBM) para naman sa mga kabataan.

Nakatakda namang makipag-ugnayan si Gadon sa mga ahensiya ng gobyerno tulad ng National Anti-Poverty Commission, Commission on Urban Poor, Commission on Indigenous Peoples, at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

 

Follow SMNI NEWS in Twitter