INAPRUBAHAN ng House of Representatives sa ikalawang pagbasa ang hakbang sa pagbuo ng Boracay Island Development Authority (BIDA) upang isulong at i-angat ang sustainable development ng isla.
Inaprubahan ng Kamara sa pamamagitan ng voice voting ang House Bill 9826 o ang panukalang BIDA Act na isang priority legislation ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Sa ilalim ng panukalang batas, ang Government Owned and Controlled Corporation o BIDA ang mamamahala, magpapa-unlad, magpapatakbo, magpapanatili, at magre-rehabilitate ng Boracay Island Development zone kasama dito ang kabuuan ng Boracay Island at mga nakapalibot na isla kabilang ang Barangay Caticlan.
Ang development zone ay magiging self-sustaining industrial, commercial, leisure, financial, at investment center upang makapag-prodyus ng maraming trabaho at makahikayat sa pagsulong ng productive local and foreign investments kung saan istriktong nasa prayoridad pa rin ang protection and preservation ng natural resources and biodiversity ng Isla ng Boracay.
Layon ng panukalang batas na isulong ang responsableng turismo sa pamamagitan ng pakikilahok ng local communities kabilang ang mga indigenous peoples conserving biophysical and cultural diversity.
(BASAHIN: Restriksyong ipinatutupad sa Boracay, walang pagbabago— Mayor Bautista)