INIHAYAG ng Commission on Elections (COMELEC) na nakatutok na sila ngayon sa pagbuo ng kontrata kasama ang Miru Systems kahit pa may mga kontra para dito.
Ang Miru Systems ang idineklara ng COMELEC na magiging service provider para sa 2025 National at Local Elections.
Ayon kay COMELEC Chairman Atty. George Garcia, kahit sino ay maaring pumunta ng SC at kuwestiyunin ang kanilang naging desisyon.
Pero sa ngayon ay hindi anila puwedeng i-delay ang mga preparasyon para sa eleksiyon
Anuman anilang kontrata ang kanilang mabubuo kasama ang Miru ay para sa ‘best interest’ o kapakanan ng mga Pilipino.
Una namang sinabi ni Garcia na nasa 110,000 na mga makinarya, balot boxes, laptops at iba pa ang ipalalabas ng Miru para sa midterm elections.