Pagbuo ng Task Force PhilHealth, iniutos na ng DOJ sa NBI

Pagbuo ng Task Force PhilHealth, iniutos na ng DOJ sa NBI

KINUMPIRMA ni NBI OIC-Director Eric Distor na bubuuin na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang task force na tututok sa imbestigasyon sa mga anomalya sa PhilHealth, bilang pagsunod sa memorandum order ni Justice Secretary Menardo Guevarra.

Layunin aniya ng task force ng NBI na mapabilis ang imbestigasyon sa anomalya sa PhilHealth at kabilang sa imbestigasyon ang pag-audit sa PhilHealth finances at pagsasagawa ng lifestyle checks sa mga opisyal at mga empleyado.

Magiging miyembro ng task force ang mga ahente at imbestigador mula sa NBI Anti-Graft Division, Anti-Fraud Division, Special Action Unit, Computer Crimes Division, Special Operations Group, at Digital Forensic Laboratory na pamumunuan ni NBI-NCR Regional Director Cesar Bacani.

Magugunitang noong nakalipas na taon ay inimbestigahan ng NBI ang isyu ng ghost dialysis na sangkot din ang PhilHealth at ang WellMed Dialysis and Laboratory Center Corporation.

SMNI NEWS

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.