MAGBIBIGAY na muli ng pondo ang Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) para sa konstruksiyon ng public school buildings.
Noong Oktubre 23, 2024 nang lumagda ng isang joint memorandum circular ang PAGCOR, Department of Education (DepEd), at Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa isang multi-agency school program.
Saklaw sa programa ang konstruksiyon ng e-learning centers, at health and wellness centers para sa DepEd.
Kasali na rin dito ang makagawa ng 1.2K silid-aralan sa mga liblib na lugar sa susunod na apat na taon.
Matatandaan na taong 2016 nang ihinto ng PAGCOR ang pagbibigay ng pondo para sa konstruksiyon ng public school buildings dahil ayon sa noo’y DepEd Sec. na si Leonor Briones, kinakailangang mai-display ang logo ng PAGCOR at pro-gambling messages sa mga pasilidad.
Ngunit malinaw naman ayon kay Briones na konektado sa sugal ang PAGCOR na hindi mainam para sa mga mag-aaral.
Follow SMNI News on Rumble