NAGBIGAY ang Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) ng mahigit 90 million pesos sa Pampanga.
Ito’y para gamitin sa pagbili ng 40 dialysis machines at isang CT Scan Unit para sa bagong Pampanga Provincial Dialysis Center I.
Sa pahayag ni PAGCOR Chairperson Alejandro Tengco, ang pasilidad ay isang malaking hakbang tungo sa abot-kayang serbisyong pangkalusugan sa lalawigan lalong-lalo na para sa mga dialysis patient.
Bukod naman sa serbisyong dialysis, nag-aalok din ang Pampanga Provincial Center ng nutritional counseling, social work support, at patient education upang matugunan ang mas malawak na pangangailangan ng mga pasyente at kanilang pamilya.