AABOT sa anim na libong pamilya sa Albay ang nakatanggap ng relief packs mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).
Naglalaman ito ng food and non-food items para sa mga biktima ng pag-aalboroto ng Bulkang Mayon.
Ayon kay PAGCOR Chairman at CEO Alejandro Tengco na naiintindihan ng ahensiya ang pinagdaraanan ng mga nasabing biktima at umaasa aniya sila na makatutulong ang donasyon ng PAGCOR sa kasalukuyang sitwasyon ng mga ito.
Tiniyak din ni Tengco na handa ang Philippine Amusement and Gaming Corporation na gawin ang makakaya nito para tumugon sa panawagang tulong ng mga apektadong Pinoy.
Matatandaan na nakataas pa rin sa Alert Level 3 ang Bulkang Mayon bunsod ng mga aktibidad nito na posibleng senyales ng pagputok ng Bulkan Mayon.