Pagdalo ni PBBM sa ika-2 command conference ng PNP, walang kinalaman sa loyalty check

Pagdalo ni PBBM sa ika-2 command conference ng PNP, walang kinalaman sa loyalty check

HINDI maituturing na loyalty check ang pagdalo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ikalawang command conference ng Philippine National Police (PNP) sa Kampo Krame Martes, Hunyo 4, 2024.

Ito ang sinabi ni PNP Public Information Office Chief Police Colonel Jean Fajardo kasunod ng pagdalo ng presidente sa nasabing komperensiya.

Ito’y may kaugnayan pa rin sa napapabalitang destabilization plot laban sa administrasyong Marcos na nauna nang ipinagkibit-balikat ng PNP.

Sa kabilang banda, ibinida naman ng PNP sa harapan ng Pangulo ang matagumpay nilang kampanya kontra kriminalidad sa bansa.

Ayon sa pulisya, malaki ang ibinaba ng ng crime rate sa ikalawang kwarter ng taong 2024.

Batay sa kanilang datos, mula Enero 1 hanggang Mayo 17, bumaba ang index crime ng 18.3 percent o katumbas ng 2, 897 na kaso ang nabawas ngayon taon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble