Pagdaloy ng lava sa Bulkang Mayon, umabot sa 2.5 km

Pagdaloy ng lava sa Bulkang Mayon, umabot sa 2.5 km

UMABOT na sa mahigit 2.5 kilometro ang dumadaloy na lava mula sa Bulkang Mayon sa kahabaan ng Mi-Isi Gully ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Nasa 3.3 kilometro na rin ang layo na inabot ng mga bato at debris mula sa crater ng Bulkang Mayon.

Nagbabala naman si Resident Volcanologist Paul Alanis na kung magpapatuloy ang pagdaloy ng lava ay maaari itong lumagpas sa 6-km permanent danger zone.

Nakapagtala na rin ang PHIVOLCS ng 302 na insidente ng rockfall events, dalawang pyroclastic density currents (PDCs) at isang volcanic earthquake.

Sa ngayon ay nakasailalim pa rin ang Bulkang Mayon sa Alert Level 3 habang patuloy itong nakararanas ng magmatic unrest.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter