MAPA-summer man o sa Kapaskuhan, hindi nawawala sa listahan ng mga pinupuntahan ng mga turista ang “Summer Capital” ng Pilipinas—ang Baguio City.
Mula sa malamig na simoy ng hangin, mga kakaibang adventure hanggang sa mga delicacies na gawa mula sa strawberries at picture-perfect na mga tourist spot, ilan lamang iyan sa mga maraming dahilan kung bakit dinarayo ang Baguio.
Nitong 2023, nakapagtala ang lungsod ng higit 1.3 milyon na tourist arrival.
Pero kaakibat ng patuloy na pag-usbong ng turismo ng Baguio ay ang mga hamong kinakaharap nito.
Isa na nga rito ay ang problema sa basura.
Ayon sa City General Services Office ng Baguio, umaabot sa 592 tonelada ng basura ang nage-generate ng lungsod kada araw.
Iyan ay mas madami kumpara sa 400 tonelada ng nakokolektang basura kada araw noong pre-pandemic at 320 tonelada noong panahon ng pandemya.
Batay sa 2022 Waste Analysis and Characterization Study, halos 36% ng basurang nakokolekta sa Baguio ay biodegradable o nabubulok, 30.82% ang nare-recyle habang 32.55% naman ang residual o mga basurang hindi na pwedeng i-recycle.
Ayon kay General Services Office Head Eugene Buyucan, isa sa mga dahilan ng pagdami ng basura sa Baguio ay dahil sa new normal na pamumuhay kung saan ang mga tao ay nahihilig na sa online purchases.
“Online purchases require packaging and wrapping and this entails voluminous wastes added to the regular wastes generated,“ ayon kay Engr. Eugene Buyucan, Head, Baguio City General Services Office.
Sinabi rin ni Buyucan na ang pagtaas ng produksiyon ng basura ay dulot din ng pagdami ng mga turistang dumarating matapos alisin ang mga restriksyon sa pandemya.
“More people equals more garbage. It’s that simple and we need the cooperation not only of our residents but also of our visitors in managing our garbage through segregation, reducing, recycling and reusing methods,“ ani Buyucan.
‘Kalinisan: Tatag ng Bayan’ Initiative ni Pastor Apollo C. Quiboloy, ikinasa sa Baguio City
At para makatulong na mapanatili ang kalinisan at ganda ng Baguio City, daan-daang volunteers ng Sonshine Philippines Movement (SPM) ang tulong-tulong na naglinis sa ilang parke ng lungsod.
Ito ay bahagi ng programang “Kalinisan, Tatag ng Bayan” na inisyatiba ng spiritual leader ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) at senatorial candidate Pastor Apollo C. Quiboloy.
Kabilang sa nilinis ng mga volunteer ang Department of Public Services o DPS Park na isang parke sa Baguio na nagbibigay ng lugar para sa pahinga, ehersisyo, at mga aktibidad na pampamilya.
Tumungo rin ang grupo at nangolekta ng mga basura sa Baguio Eco Park na isa sa mga eco-tourism destinations sa lungsod.
Bilang isang future senator, isinusulong ni Pastor Apollo ang pananatili ng kalinisan sa lahat ng bahagi ng bansa.
Kaugnay nga niyan ay itatatag ng Butihing Pastor ang National Commission for National Cleanliness.
“Naisip din ni Pastor ‘yung syempre every nook and corner ng Pilipinas dapat malinis.”
“Kasi doon nga sumusunod, nagfofollow ‘yung mga blessings galing sa ating Ama.”
“Knowing that a dirty environment will only invite criminality kay ang NCNC will also solve our problem about yung marumi and mga basura. It will resolve that problem,” pahayag ni Atty. Kaye Laurente, Spokesperson, Senatorial Aspirant Pastor Apollo C. Quiboloy.