MAPA-summer man o sa Kapaskuhan, hindi nawawala sa listahan ng mga pinupuntahan ng mga turista ang “Summer Capital” ng Pilipinas—ang Baguio City.
Nitong 2023, nakapagtala ang lungsod ng higit 1.3 milyon na tourist arrival.
Pero kaakibat ng patuloy na pag-usbong ng turismo ng Baguio ay ang mga hamong kinakaharap nito.
Isa na nga rito ay ang problema sa basura.
Ayon sa Baguio City Government, umaabot sa higit 520 tonelada ng basura ang nakokolekta ng lungsod kada araw.
Iyan ay mas madami kumpara sa 400 tonelada ng nakokolektang basura kada araw noong pre-pandemic at 320 tonelada noong panahon ng pandemya.
Batay sa 2022 Waste Analysis and Characterization Study halos 36% ng basurang nakokolekta sa Baguio ay biodegradable o nabubulok, 30.82% ang narerecyle habang 32.55% naman ang residual o mga basurang hindi na pwedeng irecycle.
Isa sa mga dahilan ng pagdami ang basura sa Baguio ayon kay Mayor Benjamin Magalong ay ang pagdami ng mga turistang dumarating sa lungsod.
‘’Turista pupunta, kakain. Marami talaga iyan. Sa Burnham Park pa lang ang dami namin. Sa palengke pa lang ang dami naming kinukuhang basura. Basically combination of both residents at mga turista,’’ ayon kay Mayor Benjamin Magalong.
Upang makatulong na mapanatili ang kalinisan at ganda ng Baguio City, daan-daang volunteers ng Sonshine Philippines Movement ang tulong-tulong na naglinis sa ilang parke ng lungsod. Ito ay bahagi ng programang “Kalinisan, Tatag ng Bayan” na inisyatiba ng spiritual leader ng The Kingdom of Jesus Christ at senatorial aspirant Pastor Apollo C. Quiboloy.
Iba’t ibang organisasyon ang nakiisa sa inisyatiba ni Pastor Apollo kasama na ang Baguio City Government sa pangunguna ni Mayor Magalong.
Kabilang sa nilinis ng mga volunteer ang Department of Public Services o DPS Park na isang parke sa Baguio na nagbibigay ng lugar para sa pahinga, ehersisyo, at mga aktibidad na pampamilya.
Tumungo rin ang grupo at nilinis ang Baguio Eco Park na isa sa mga eco-tourism destinations sa lungsod.
Nagpapasalamat si Mayor Magalong sa inisyatiba ng butihing Pastor na aniya ay malaking tulong hindi lang para mapanatili ang kalinisan sa Baguio kundi pati na rin mapanatili ang kaayusan at kapayapaan.
‘’The surruounding significantly influences the behavior of its people kaya iba na talaga kapag malinis yung kapiligaran, maayos, at orderly,’’ ayon kay Mayor Magalong.
‘’Napakaganda ng initiative na ito. ‘Yung iba kasi puro pamumulitika lang,’’ saad ni Mayor Magalong.
‘’Tuwang tuwa naman ako na may mga tao na nanggaling pa sa Pangasinan, galing pa sa iba’t ibang lugar sa La Union, sa Metro Manila para tumulong dito sa paglilinis namin ng aming sariling bayan. Kaya siguro yung hindi marunong maglinis eh makonsensya kayo dahil taga ibang lugar dahil dito sa initiative ng ating pastor na si Pastor Apollo C. Quiboloy,’’ ani Magalong.
Pinuri rin ng tribung Igorot ang nasabing inisyatiba na anila ang pagpapanatili sa kalinisan ng Baguio ay pagpepreserba rin sa kanilang pagkakakilanlan at kultura.
‘’Masisira talaga ang tradisyon at kultura kung maraming basura. Dahil normally wala naman basura eh noong mga ninuno natin,’’ ayon kay Pastor Nestor Valdez Representative, Dangdang-ay Cultural Dance Group.
‘’Nagpapasalamat kami sa initiative na ito ni Pastor Quiboloy dahil tumutulong ang grupo niyo sa paglilinis dahil yung nga marami ng basura kahit saan saan tinatapon eh,’’ saad nito.
Saludo rin ang ilang non-government organization sa inisyatiba ni Pastor Apollo na anila ay hindi lang isang hakbang tungo sa isang malinis na kapaligiran.
Ito rin ay hakbang tungo sa pagsugpo ng kriminalidad at korupsyon sa gobyerno.
‘’Kapag malinis ang paligid mo, malinis ang community mo, malinis din ang tao, malinis din ang budhi, malinis din ang gobyerno,’’ ayon naman kay Josefa Kapoor Representative, Igorot Warriors International.
‘’Nagpapasalamat po kami kay Pastor Quiboloy na maglinis po ng Baguio,’’ ani Kapoor.
‘’Pastor ako ay talagang sumasaludo sa inyo sa inyong pagmamahal sa bayan at sa inyong pagmamahal sa ating kalikasan. Dalawang kamay po ang pagsulodo sa inyo. At hinihiling ko po sa lahat ng mga Pilipino na nakakarinig sa akin ngayon, suportahan po natin si Pastor Quiboloy kasi nasa kaniyang yung katangian ng isang mabuting leader na hindi lamg nagmamahal sa ating kaliksan, kundi mahal niya ang bawat Pilipino,’’ saad ni Dr. Edwin S. Maniti Vice President for Operation, Anti-Crime and Community Emergency Response Team.
‘’Itong inisyatiba na ginagawa niya ay napakalaking tulong sa buong Pilipinas,’’ ayon kay Dan Chan Political Vlogger.
‘’Saludong saludo kay Pastor dahil kung wala isang Pastor… alam niyo marami kasi dito na puro pangakonang ginagawa binibitawan po nila. Ito po si Pastor Quiboloy, hindi po ito nangangako nagawa niya na at patuloy pa niyang ginagawa,’’ saad ni Dan Chan.
‘’Kay Pastor Quiboloy, marami pong salamat at napili po ninyo ang Baguio para sa inyong proyekto lalong lalo na dito sa pagsasaayos ng ating kalinisan at ating kapaligiran. On behalf of the local government of Baguio, maraming maraming salamat po,’’ saad ni Mayor Benjamin Magalong.
Bilang isang future senator, isinusulong ni Pastor Apollo ang pananatili ng kalinisan sa lahat ng bahagi ng bansa.
Kaugnay nga niyan ay itatatag ng butihing Pastor ang National Commission for National Cleanliness.
‘’Naisip din ni Pastor yung syempre every nook and corner ng Pilipinas dapat malinis,’’ ayon kay Atty. Kaye Laurente Spokesperson, Senatorial Aspirant Pastor Apollo C. Quiboloy.
‘’Kasi doon nga sumusunod, nagfofollow yung mga blessings galing sa ating Ama,’’ saad nito.
‘’Knowing that a dirty environment will only invite criminality kay ang NCNC will also solve our problem about yung marumi and mga basura. It will resolve that problem,’’ ani Atty. Kaye Laurente.