Pagdami ng mga Pilipinong nagugutom, dahilan kung bakit dapat ilagay sa MGCQ ang bansa

DUMARAMI na ang nagugutom na mga Pilipino, dahilan kung bakit dapat nang ilagay muli sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang bansa.

Ito ang inihayag ni Department of Trade and Industry (DTI) Sec. Ramon Lopez sa laging handa press briefing.

“Each day po na walang pagkain ‘yong ibang kababayan natin, each day na nagugutom at na mamalnourish po sila, ano ho kaya ang gagawin natin sa kanila, ‘yon ang big question,” pahayag ni Lopez.

Ayon pa kay Sec. Lopez, hindi na dapat pang hintayin pa na maabot pa ang herd immunity bago pa mabuksan ang ekonomiya.

Ani Lopez, dapat ngayon pa lamang ay unti-unting nang buksan ito para sa mga nagugutom na mga Pilipino.

Unti-unting pagbubukas ng ekonomiya, napapanahon na —DTI Sec. Lopez

Samantala, napapanahon na para luwagan ang restriksyon at unti-unting buksan ang ekonomiya dahil marami ng mga Pilipino ang naghihirap.

Ito ang inihayag ni Department of Trade and Industry Sec. Ramon Lopez sa Laging Handa press briefing.

“Hindi pa po nakabalik lahat, 1.6-M pa ang ikukompara natin na hindi pa nakabalik sa trabaho compare to pre-pandemic levels ng employment,” ayon kay Lopez.

Ayon pa kay Lopez, sang-ayon ito sa sinabi ni National Economic and Development Authority (NEDA) Sec. Karl Kendrick Chua na hindi na ito tungkol sa ekonomiya at kalusugan.

Matatandaang sinabi ni Chua, na ito ay tungkol sa kalusugan at ibang pang nagsusulputang health issue dahil sa kahirapan gaya ng malnutrition, stunted growth at brain development.

SMNI NEWS