DUMATING sa Pilipinas ang nasa halos 200 Chinese nationals mula sa Xiamen, China lulan ng Xiamen Airlines Flight MF819 ngayong Martes ng hapon.
Kasunod ito ng desisyon ng Chinese government na magpatupad ng pilot program na buksan ang borders ng China para sa outbound group travel.
Kabilang ang Pilipinas sa 20 bansa sa nasabing programa.
Para sa Department of Tourism (DOT), ang pagdating ng mga Chinese national ay senyales ng magandang simula ng bagong taon.
Bunga rin ito ng state visit kamakailan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa China.
“The arrival of Chinese tourist in the Philippines signal a very auspicious start to the new year,” ayon kay Sec. Christina Garcia Frasco, DOT.
Pagdami ng mga Chinese tourist sa bansa, inaasahan ngayong taon
Inaasahan ani Frasco na dadami pa ang mga Chinese tourist sa bansa na makakatulong sa tuluy-tuloy na pag-recover ng tourism industry.
Tiniyak naman ni Frasco na patuloy na nasusunod ang minimum health standards sa pagtanggap ng mga dayuhang turista sa bansa katuwang ang iba pang government agency.