Pagdevelop ng 1,800 kms expressways sa loob ng 6 taon plano ng DPWH

Pagdevelop ng 1,800 kms expressways sa loob ng 6 taon plano ng DPWH

PLANO ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na magdevelop ng 1,800 kilometers ng expressways sa loob ng anim na taon.

Ito ang inihayag ni DPWH Sec. Manuel Bonoan sa isang economic briefing na dinaluhan nito sa New York bilang parte ng delegation ni PBBM.

Ayon kay Bonoan, ito ay bahagi ng kanilang Road Network Development Program para mapagaan ang traffic congestion.

Sinabi rin ng kalihim na magtatayo sila ng anim na tulay sa Metro Manila para ma-address ang problema sa trapiko.

Punto ni Bonoan na nasa 3M dollars ang nawawala sa gobyerno kada araw dahil sa traffic congestion.

 

Follow SMNI News on Twitter