Pagdidisiplina kay Ja Morant ng Memphis Grizzlies, mas seseryosohin ng NBA pagkatapos ng finals

Pagdidisiplina kay Ja Morant ng Memphis Grizzlies, mas seseryosohin ng NBA pagkatapos ng finals

DIDISIPLINAHIN na ng NBA si Memphis Grizzlies Star Guard Ja Morant pagkatapos ng finals.

Ayon ito kay NBA Commissioner Adam Silver nitong June 1, 2023.

Magugunitang noong Mayo, isang panibagong video ang kumalat kung saan makikita si Morant na may dala-dalang baril.

Nauna nang nagkaroon din ng video si Morant noong March na may dala-dala rin itong ibang uri ng armas.

Dahil dito, sinuspendi na si Morant ng Memphis Grizzlies.

Posibleng papatawan pa ito ng mas mabigat na sanctions maliban sa pagkakasuspendi.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter