Pagdinig ng komite ni Sen. Hontiveros vs. Pastor ACQ, in aid of persecution lang—Atty. Harry Roque

Pagdinig ng komite ni Sen. Hontiveros vs. Pastor ACQ, in aid of persecution lang—Atty. Harry Roque

DIREKTANG sinabi ni Atty. Harry Roque na “in aid of persecution” lang ang ginawang pagdinig ng Komite ni Sen. Risa Hontiveros sa mga umano’y reklamo laban kay Pastor Apollo C. Quiboloy.

Kuwestiyunable rin, sabi ni Roque, ‘yung mga indibidwal na pinatestigo dahil matagal nang nabasura ang mga gawa-gawang kaso na ibinabato nila kay Pastor Apollo.

Kung may due diligence nga lang aniya sanang sinunod si Sen. Hontiveros ay nalaman sana niya na matagal nang dinismiss ng piskalya ang mga kasong inihain ng mga kinuha niyang testigo ngayon.

“Ang tanong ano ba ho ang in aid of legislation diyan, this is in aid of persecution kay Pastor Apollo C. Quiboloy, tapatan na po tayo kasi kung kayo naman ay nag-exercise ng due diligence pa lang bago pa pinasalita ‘yan sa Kongreso malalaman n’yong dismissed na ang kaso ng mga nagtetestigo diyan, hindi kapani-paniwala basura lang,” saad ni Atty. Harry Roque, Former Presidential Spokesperson.

“Saka in aid of election.”

“Sabihin ni Sen. Risa, anong batas ang iniisip mo diyan na wala pa tayo ang katotohanan sagutin mo rin bakit mo pinatestigo diyan ‘yan sa Senado gayong alam mo, sigurado namang alam mo ‘yan na binasura na nga ng piskalya kaya nga hindi makaabot-abot ng korte ‘yan dahil wala na nga sa proseso natin ang preliminary investigation, probable cause man lang ay wala eh bakit naman isasampa ang kaso sa korte kung wala namang kapag-a-pag-asa na ma-convict ‘yan nag-aaksaya lang ng panahon, pagod, at pera ng gobyerno,” dagdag ni Roque.

Ipinunto pa ni Roque na kung hindi na nakapasa sa piskalya ang reklamo laban kay Pastor Apollo ay hindi na dapat ito dininig pa sa Senado.

Dapat, aniya, ay idinerecho na lang ito sa Department of Justice kung nagkaroon man ng pagkukulang ang piskalya.

Dagdag nito na kung hindi nakapasa sa piskalya ang reklamo laban kay Pastor Apollo, hindi dapat sa Senado dininig ang reklamo kundi dapat ay idinulog ito sa Department of Justice kung nagkaroon ng pagkukulang ang piskalya.

“Pero paano naman ang gagawin ng piskalya, nagkaroon na nga ng finding na walang probable cause, alangan namang depende kung sino [inaudible] ‘yung piskal iba ang desisyon, alam n’yo ang evidence po napakaganda ng rules of evidence na ‘yan, talagang walang lulusot diyan ‘yung rule, kailangan may personal knowledge okay personal na kaalaman di pepwede ang hearsay ‘yung rule na kapag nakasulat dapat ang kasulatan isusumite ‘yung rule na dapat kapani-paniwala in the first place ang iyong sinasabi at dapat para maging kapani-paniwala ang iyong sinasabi dapat kapani-paniwala ka bilang isang tao eh, ang problema dito sa mga nagrereklamo, may mga malaswa na ring nagawa tapos akala mo Virgin Mary sila hello,” aniya.

Nakapagtataka nga rin, ayon kay Roque, ang ginagawang pangangalap ng impormasyon ni Hontiveros, para madiin sa reklamo ang isang indibidwal, gayong malinaw naman na hindi ito trabaho ng isang senador.

“Kaya nga po nakakapagtaka e dapat doon sa piskalya yan, hindi naman trabaho ng senadora na magsampa ng information sa hukuman kahit manigas pa sya dyan kahit pagulong-gulong ka pa dyan sa sahig kung wala talagang ebidensya, hindi isasampa ng piskal ‘yan sa hukuman at wala talagang magagawa ang Senado kung wala talagang ebidensya period walang mangyayari,” ayon pa kay Roque.

Ipinaliwanag ni Roque na bago pa man maging kaso ang isang reklamo ay dapat na may saysay ito at may matibay na ebidensiya sa piskalya pa lamang para maisampa sa hukuman.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble