Pagdinig ng Senado sa isyu ng korupsyon sa PhilHealth, ipagpapatuloy ngayong araw

Pagdinig ng Senado sa isyu ng korupsyon sa PhilHealth, ipagpapatuloy ngayong araw

MAGPAPATULOY ngayong araw ang pagdinig ng Senado hinggil sa mga naiulat na irregularidad at panibagong mga issue ng korupsyon sa loob ng Philippine Health Insurance Corporation or PhilHealth.

Sa unang pagdinig noong nakaraang Martes, highlight ang testimonya ng tumatayong key witness na si PhilHealth resigned Anti-Fraud Officer na si Atty. Thorrson Montes Keith na nasa P15 bilyon na aniya ang nawala  sa ahensya dahil sa kurapsyon.

Nasabi din ni Keith na ang paniningil ng sobra-sobra sa mga overseas Filipino workers ang maaring paraan ng sindikato sa ahensya para mabawi ang mga nawaldas na pera.

Si Alejandro Cabading , isa sa mga board member ng PhilHealth ay isinawalat naman kasama si Dr.  Susan Mercado na isa ding miyembro  ng board ng ahensya ang paghahain ng anomalous budget para sa kanilang IT system.

Ayon kay Cabading, nasa P2.1 billion ang unang inihain na budget pero wala namang malinaw na paliwanag kung saan partikular na gagamitin ang pera.

Nang hindi ito nakapasa sa board, ay muling inihain ang 1. 9B budget dito pero hindi rin nakapasa.

Aniya, naipasa pa rin ang supplemental budget na P328 million para sa IT system.

Maliban dito, nabuksan din ang isyu ng overpricing sa ilang equipment, na may market value lamang na P62,000 ang isang item pero sa budget na inihain ay nasa P320, 000 ito.

Isa pang ibinato sa ahensya sa nakaraang pagdinig ay ang hindi pantay na pabibigay ng substantial claims sa mga hospital na may COVID patients sa ilalim ng interim reimbursement mechanism o IRM ng PhilHealth.

Sa ilalim ng IRM sa ahensya ay mayroong P30 billion na pondo para sa pagbibigay ng substantial aid ang PhilHealth para sa mga accredited hospitals na tumatanggap ng  COVID patients pero ayon kay Lacson may mga unaccredited hospital tulad ng dialysis centers ang binigyan ng PhilHealth mula sa pondo ng IRM.

Nalaman naman sa pagdinig na simula ng manungkulan si  Morales noong 2019 ay walang kahit na sinong top official ng PhilHealth ang tinanggal  sa pwesto sakabila ng may mandato mula sa pangulo noon  maliban pa sa board resolution na tanggalin sa pwesto ang lahat ng empleyado na nasa Salary Grade 26.

At mga regional vice president ngayon ay magpapatuloy mamayang 10:00 ang pagdinig at sinabi ni Senate Committee of the Whole Chair Tito Sotto III na may mga bagong resource person na dating empleyado ng ahensya ang magsasalita sa hearing.

Kung nakaraang pagdinig ay hindi nagsalita ang ikatlong key witness na si  Etrobal Lobarte, ang kaka-resign lang na executive assistant to the PhilHealth chief ay inaasahan na magsasalita na ito mamaya.

Matatandaan na ayon kay Sotto at Lacson na dahil sa banta sa seguridad ni Lobarte kaya hindi nito itinuloy ang virtual niyang pagtestigo noong nakaraang pagdinig.

Inaasahan din ang pagdalo ni PACC Chair Greco Beljica na kung saan ay nasa 36 na tao aniya  ang irerekomenda nitong sampahan ng reklamo dahil sa isyu ng korupsyon sa PhilHealth.

Si PhilHealth Chief Ricardo Morales ay maaaring dumalo sa hearing thru virtual dahil sa sakit nitong lymphoma.

Narito naman ang link ng kasalukuyang pagdinig sa Senado kaugnay sa anomalya ng korupsyon sa PhilHealth

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.